Application Notes and conditions
Pangangailangan at inaasahan ng mga pamilya sa Hong Kong

Ang saklaw ng mga tungkulin ng FDH ay nag iiba ayon sa mga pangangailangan ng mga indibidwal na pamilya. Sa pangkalahatan, ikaw ay itatalaga upang pangasiwaan ang mga tungkulin pantahanan tulad ng paglilinis, pagluluto, paghahatid ng pagkain, paghugas ng pinggan, at iba pa. Ang ilang mga tagapag-empleyo ay maaaring mangailangan ng mga FDH na gumawa ng pamimili ng groseri, pag-alaga ng mga matatanda at/o mga bata, pag-alaga ng sanggol, at iba pa.
Bago tanggapin ang trabaho bilang isang FDH, dapat mong malaman ang mga detalye ng trabaho at mga kinakailangan nito. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong potensyal na tagapag-empleyo o mga ahensyang pang-empleyo (EA) para sa impormasyon. Makakatulong ito sayo na malaman ng higit pa tungkol sa mga pangangailangan at inaasahan ng iyong potensyal na tagapag-empleyo bago mo tangapin ang trabaho.
kakayahan
Ang Hong Kong ay isang napakabilis na lungsod na pinahahalagahan ang kakayahan.
Inaasahan ng mga tagapag empleyo ang mga gawain na makumpleto sa isang napapanahong paraan.
paggawa ng maraming bagay
Ang pamilya na may nagtatrabahong mag-asawa ay pangkaraniwan sa Hong Kong. Inaasahan mong pangasiwaan nang malaya ang iba’t ibang mga pantahanang tungkulin nang mag-isa.
Pag-iingat
Ang iba’t ibang mga kasangkapan sa pagluluto at kagamitan na
elektrikal tulad ng bakyum klener, air puripayer, mikroweyb, kalan, blender, at iba pa ay karaniwang ginagamit sa mga sambahayan sa Hong Kong.
Dapat mong sundin ang libro sa paggamit o alamin mula sa inyong tagapagempleyo ang ligtas at wastong paggamit ng mga kasangkapan.
kamalayan sa kalinisan
ang mga mamamayan sa Hong Kong ay karaniwang nababahala tungkol sa sambahayan at pangsariling kalinisan. Maaaring
asahan nila ang pareho mula sayo. Dahil magkakaiba ang mga inaasahan at pamantayan ng mga tagapag-empleyo, dapat mong obserbahan at sundin ang mga kinakailangan ng iyong tagapag-empleyo.
Ang pagtatrabaho ba sa Hong Kong ay akma para sa iyo?
Naglakbay ka naba o nagtrabaho sa ibang bansa noon?
May mag-aalaga ba sa mga miyembro ng iyong pamilya, tulad ng iyong mga magulang at/o mga anak habang nagtatrabaho ka sa Hong Kong?
Gaano kahusay ang iyong pagbagay sa isang bagong kapaligiran?
Handa ka bang manirahan at magtrabaho sa tirahan ng iyong tagapag-empleyo?
Maari ka bang magtrabaho ng nag-iisa?
Nakakuha ka naba ng sapat na kasanayan sa trabaho bilang isang FDH tulad ng pagluluto, pag-alaga ng sanggol, at iba pa? Kung hindi, isasaalang-alang mo ba ang pagkuha ng karagdagang pagsasanay bago ka pumunta sa Hong Kong?
May alam ka bang kaunting Ingles o Cantonese? Kung hindi, isasaalang-alang mo ba ang pagkuha ng mga kurso sa wika?