Pakikisama sa iyong tagapag-empleyo
Ang mga FDH at ang kanilang mga tagapagempleyo ay nakatira sa ilalim ng iisang bubong at sa may malapit na pakikipagugnayan. Ang mabisang komunikasyon, tiwala at respeto ay mahalaga sa pagbuo ng isang maayos na pangmatagalang relasyon sa pagtrabaho.
Ang mabisang komunikasyon at pagbuo ng tiwala sa isa’t-isa

Ang bukas at prangkang komunikasyon ay nagpapabuti sa pag-unawa ng magkabilang partido at tumutulong sa pagbuo ng tiwala sa pagitan ng mga FDH at mga tagapag-empleyo, na siyang susi sa isang maayos na relasyon
sa pagtatrabaho. Ang iyong kasiya-siyang pagtupad at pagpayag na matuto ay makatutulong na makakuha ng tiwala at pagpapahalaga mula sa iyong tagapag-empleyo.
Ang mga tagapag-empleyo sa Hong Kong ay sa pangkalahatan ay sanay magsalita ng Cantonese at nagsasalita din ng Ingles at Putonghua. Kung hindi mo maintindihan ang mga bilin ng iyong tagapag-empleyo, dapat mong hilingin sa iyong tagapag-empleyo na ulitin, magsalita nang dahan-dahan o magbigay
ng mas tiyak na mga bilin/patnubay. Kung kinakailangan, maaari ring magamit ang mga instrumento sa pagsasalin ng wika sa online. Makakatulong ang komunikasyon sa kapwa partido na mas maunawaan ang bawat isa, para malaman ng mga FDH ang mga inaasahan at kinakailangan ng mga tagapag-empleyo. Kasabay nito, maiintindihan din ng mga tagapag-empleyo ang mga pangangailangan at kahirapan ng kanilang FDH.

Igalang ang bawat isa

huwag ipamahagi ang anumang mga litrato o bidyo ng inyong tagapagempleyo/ miyembro ng sambahayan nang walang pahintulot; huwag ibunyag ang mga pansariling detalye ng inyong tagapag-empleyo/ miyembro ng sambahayan tulad ng mga numero ng telepona, kinaroroonan ng tirahan, at iba pa sa ibang partido nang walang malinaw na pagsangayon, o kung ganon maaaring nilabag mo ang kanilang pagkapribado. Ang pagsisiwalat ng mga pansariling detalye ay paglabag sa mga kinakailangan sa ilalim ng PDPO at bilang kinahinatnan, ang Komisyoner ng Pagkapribado para sa Pansariling Datos ay maaaring mag-isyu ng isang paunawang
pagpapatupad laban sa nagkasala.
Pangangasiwa sa mga hindi pagkakaunawaan sa empleyo

Ang EO ay isang pangunahing piraso ng batas sa Paggawa sa Hong Kong na sumasakop sa lahat ng mga empleyado (kabilang ang mga FDH) na nagtatrabaho dito. Ang mga FDH ay may karagdagang proteksyon ng SEC na inilahad ng gobyerno na naglalagay ng kanilang mga karapatan at proteksyon sa empleyo. Kung naniniwala ka na ang iyong mga karapatan sa empleyo ay nilabag, ipinapayo na linawin ang bagay sa iyong tagapag-empleyo at subukang lutasin ang pagtatalo ng magkasama. Kung nabigo kayo sa pribadong
pagareglo, pinapayuhan ang parehong partido na humingi ng tulong sa LD.